larger than words

I'm vera. Optimistically trying to end up each day with a smile.


"my life with a ratio of love, laugh, pain, failures and success."

Hindi porket suplada masama na agad ugali? Hindi ba pwedeng MAY REGLA LANG muna?  :D

(c) #Magtagalog Tayo  # Twitter

Opinyon ko lamang. Paumanhin kaibigan. #1

Hindi masarap ang Haikou siomai. Crab kunwari. Shrimp na may may extender. Japanese kunno. Pork. Chicken. Name it. Walang masarap. Lahat lasang kartong ikinapit ng harina. Nakakasuka. Kudos na lang sa product presentation nila. Di ko gustong manira, pero tikman ng iyong mapatunayan. Opinyon ko lamang. Paumanhin kaibigan.

#ADMITTED FACT 5

Lahat ng mga mahal natin sa buhay ay mamatay. Ikaw, ako ay dadating rin sa puntong ito ng ating mga buhay. Kailan? Saan? Paano? Sino? Mauuna ka. Maaring ako. Pwede ring sabay tayo. Ewan. SIYA lang ang nakakaalam. Ang maaari mo lamang gawin. Sulitin ang mga araw na kasama mo sila. Ang iyong pamilya. Kaibigan. Ka-ibigan. O sino mang kapwa tao sa mundo inaalayan mo ng pagmamahal. Paniguradong sa huli, wala kang pagsisisihan o panghihinayagangan. At syempre, ang pinakamahalaga, magdasal ka kaibigan. 

-“We should enjoy it before it melts. Life is like an ice cream.”

UNDAS

Alas onse ng umaga

Sumapit sa sementeryo

Nadatna’y kumpol ng kubol at tao

Sabay sabay ginunita, alaala ng mahal na yumao



Kasama aking pamilya, nabuklod at nananghalian

Inihaw na tilapia, humba, pansit, litsong manok, salad na prutas

Lahat ng tiyan ay nalamanan

Isang lagok ng Coke at kagat sa malaking saging ang panghuling eksena



Si Lolo ay hindi umalis sa tabi ng puntod ni Lola

Kaming apo niya, habang nagkakantahay, inaliw ang balo

Kwentuhan nina Tiya at Tiyo sa kabilang banda

Reyunyon ng pamilya ang tema ng aming pelikula



Tila nakisama ang langit sa pagtangis ng madla

Malakas na buhos ng ulan sabay ang ihip ni Bathala

Ampiyas na tubig ay naihalamos sa mukha

Pamilya sa bawat kubol ay naging basang sisiw, nakakatawa



Matapos ilang minuto ng pakikipagbuno kay Ulan

Sa wakas ay nagpakita na ang pakipot na liwanag

Init ni Araw ay naramdaman

Heto’t mga tao’y nagliwaliw na naman


 

Alas tres ng hapon

Dumating ang isang aliwan

Kasama ang ama, pinsan kong bulilit ay bitbit ng kanyang nani

Kurot at halik sa pisngi, ibinungad ng mga sabik na tiya



Nagmiryenda, kumain, walang tigil na pagkain

Ngutngot dito, kasab doon

Mabubusog, magpapahughog

Kain ulit, sige hala hanggang makamit uli ang kabusugan



Napagod sa habulan, nabilaukan sa tawanan

Nangalay sa ngutngutan

Soundtrip at sayawan

Lahat ay pawang kasiyahan


Kalangitay unti unting nabalot ng kadiliman

Nahapyawan sa relo’y ala-sais i-media

Tinawag ni ina para mag-hapunan

May sunod kamong pupuntahan


Matapos kumaiy, nagpaalam na sa iba

Biyahe patungong Lemery ay sinimulan

Puntod ng mga kamag-anak sa parte ni ina

Dinalaw at tinirikan ng kandila



Nawari ko lamang ang kaibahan

Sementeryong publiko at pribado

Dagsa ng tao’y iba sa publiko

Siksikan ng tao’y kainaman at medyo magulo

Mga nitsong patong patong ang tanawin sa publiko

Kumpara sa lapida sa damuhan at naglalakihang musuleo sa pribado

Sa publiko, ang nitsoy nagsilbing tapakan para may malakaran

Mga tulo ng kandilay kinukodkod, katumbas ay pera sa ilang kabataan 


 

Palibhasay malapit sa sementeryo sa bayan ng Lemery

Sinamantala nina Tiya ang Nobyembre a-unong petsa

May kanya kanya silang pwesto

Kandila, utik-utik at sopdrinks ang alok nila 

Lumagi doon ng ilang oras

Kumain muli ng pagkaing hain

Di na isinaisip ang kilong madadagdag sa guhit ng timbangan

Ang mahalagay nabusog at grasya sa langit ay di tinanggihan

Kapatid kong nakababata ay dinalaw ng pagod at antok

Kanyang anyaya sa pauwi ay sinabi

Nagpaalam na sa pamilya roon

Sasakyan ay umandar, pauwi sa bahay

 

Alas-onse ng gabi, sinapit aming tahanan

Naghilamos, naglinis ng katawan at naghanda sa pagtulog

Pagod, antok, masaya

May umusbong na pimpol sa mukha, yun lang ang nakakasura



Nobyembre a-uno o a-dos

Ginugunita natin mga mahal na yumao

Kanilang presensya ma’y nawala sa mundo

Pagmamahal sa bawat isa ay nananatili sa puso


 


Isang tradisyong kinaugalian nating mga Pinoy

Mawala man ang isa, ang buhay ay patuloy

Ang mahalaga’y pananalig at paniniwala sa Kanya

Tiwala na ang mga mahal na nawalay, mas mabuti na sa piling Niya.



 

( Sulyap sa ibang litrato? Kaibigan, sa peysbuk ka magtungo. Hanapin ang pangalan ko.)

#ADMITTED FACT 4

Lahat tayo ay dumaan sa pagiging JEJEMON. Nakakatawang aminin, pero totoo. 

Anonymous asked: Hi! ;)

Hello! :)))))